On Waiting Wednesday, December 16, 2009 |
Ang pag-iintay ang isa sa mga pinaka-weirdo kong gustong ginagawa. Kung ang iba, ayaw nila ng pinag-iintay sila, ako, ok lang. Basta wag naman abusado na lalampas ng 2 oras. Ok lang talaga sa akin. Basta may matino kang rason. Saka kung ililibre mo ako ng Sundae Cone.
At bakit naman ok lang sa akin? Naisip ko lang din kanina habang naghihintay mag-isa sa ministop. Bihira ko na lang pala ginagawa ang mag-hintay. Tumigil sa isang tabi. Kung sa sasakyan, lagi na lang kasi akong umaandar. Lagi na lang akong nakatapak sa accelerator.
Nakakamiss ang manahimik lang sandali, walang ginagawa kundi magpalipad ng isip, magmasid sa paligid. Mag-isip tungkol sa mga kakaibang bagay, tulad ng kung nasaan ka na kaya, ano na ang ginagawa mo, at sinong kasama mo, kung ano na kaya ang mangyayari sa akin ngayong summer, bakit nagkakahiwalay ang mga tao, kung sino-sino ang magiging sila at balang araw ay maghihiwalay din (tapos matutuwa ako… nyahahaha…), kung bumebenta ba talaga ang mga nagtitinda ng “japanese sweet corn, may luto”, paano nabubuhay ang mga taong-grasa, kung ilang tao pa kayang di ko kilala ang uupo sa aking tabi, ilang oras na kaya akong naghihintay, sino-sino pa ba ang darating, at kung dadating ka na kaya.
Ewan. Masaya na ako na naghihintay. Kahit natrapik ka o nakipagbonding pa kakilala sa Mcdo o nahulog sa manhole o nagpaparlor pa. Kahit late ka, ok lang. Basta ba dumating ka lang, eh.
032606
*****
Needless to say, this is one of my favorite one-shot-no-edit blog entries to date.
Hello Goodbye Friday, November 27, 2009 |
You bumped into a "long time no see" friend while walking home.
You: Heeyy! Hi!
Your friend: Hi! Byee!
And he/she walk past by you.
What is awkward.
Labels: awkward moments, short update
Hey! After three months, a new update.
I'm quite a blog freak when I was in high school and college. At first I wrote about every nonsense I came across with. I blogged about my head ache. I blogged about a song and posted long lyrics. I blogged about this boring subject I had earlier that day. For goodness sake I even blogged about this girl I used to have a big crush on and how kilig I was during our running class (we have the same PE). It is a real shame to share.
When I grew out of the spontaneous diary-type entries and the excessive use of ellipses, I slowly learned to incorporate some theme with my blog, something that will indicate what readers will expect. Yes, I started to think about the readers. Though I still have not shed the personal approach I used to do, I turn into writing thematic story-telling, usually in Filipino, like I was just talking with someone. I did not try to be serious about it because I never wanted to be a full-pledge blogger maintainer. I did not even know how to host my site. I enjoy reading other people's blogs, and I post some of my opinions on mine. That's how I roll. If you know Bob Ong and his books, that's how my stories usually sound like.
After college, everything blog-related dwindled. Although work never seems to get in the way of my thought formulation and actual writing, every time I start to pour it, nothing's flowing. It's like sticky phlegm that you know is present but will not get out. I blame brain fatigue on this one, and also the all-access to internet that brought about the battalion of distractions that is Facebook and Twitter and Tumblr and various computer games. I miss the days when I will have get a pen and a piece of paper and create a draft. Now, I'm just straight writing in this box and I'm too lazy to edit anymore (I have to edit my entries thoroughly especially if it is in English because of my urban poor background. You see this is why I always prefer to write in Filipino or Tagalog-English. Apologies to those who have pet peeves for grammatical errors.).
I am on the fourth paragraph now and I am surprised this actually happened. The Case of the missing words, I hope, will start to end now. This may have something to do with this current inspiration of mine, that proved that writing in blogs (specially writing here at Blogger) is still alive and kicking, amidst all the PMs, Farmville, Restaurant City and 140 character tweets. I don't know, but whatever, I'm glad about it.
Labels: a post, finally, musings, on writing
Dear Blog, Sunday, August 23, 2009 |
Madami man ang dumaan at dumating, sa iyo pa rin ako babalik at babalik. Sana 'di ka nagtatampo, masyado lang akong abala at pagod. Pero sana malaman mong palagi akong nag-iisip ng mga sasabihin sayo. Papunta man akong opisina o pauwi na, palaging may ideya akong dala para sa'yo. Alam mo na, nawawala lang talaga sa isip ko pagdating ng bahay.
Miss na kita, blog.
Mwahuggz mwahiggz (x0x0),
Randy
RULE 1: You can only say Guilty or Innocent.
RULE 2: You are not allowed to explain anything unless someone messages you and asks!
Ok so here it goes. Have you...
Ever danced on a table in a bar?
INNOCENT
Ever told a lie?
GUILTY
Ever have feelings for someone whom you can't have back?
GUILTY
Ever kissed someone of the same sex?
INNOCENT
Kissed a picture?
INNOCENT
Slept in until 5 PM?
INNOCENT
Fallen asleep at work/school?
GUILTY
Held a snake?
INNOCENT
Been suspended from school?
INNOCENT
Worked at a fast food restaurant?
INNOCENT
Stolen from a store?
INNOCENT
Been fired from a job?
INNOCENT
Done something you regret?
GUILTY
Laughed until something you were drinking came out your nose?
GUILTY
Caught a snowflake on your tongue?
INNOCENT
Kissed in the rain?
INNOCENT
Sat on a roof top?
GUILTY
Been pushed into a pool with all your clothes on?
INNOCENT
Shaved your head?
INNOCENT
Slept naked?
GUILTY
Had a boxing membership?
INNOCENT
Been in a band?
INNOCENT
Shot a gun?
GUILTY
Donated blood?
GUILTY
Eaten alligator meat?
INNOCENT
Eaten cheesecake?
GUILTY
Still love someone you shouldn't?
GUILTY
Have/had a tattoo?
INNOCENT
Liked someone, but will never tell who?
GUILTY
Been too honest?
INNOCENT
Ruined a surprise?
INNOCENT
Ate in a restaurant and got really bloated that you cant walk afterwards?
GUILTY
Erased someone in your friends list?
GUILTY
Dressed in a woman's clothes (if your a guy)or man's clothes (if your a girl)?
GUILTY
Joined a pageant/contest?
GUILTY
Been told that you're handsome or beautiful by someone who totally meant what they said? GUILTY
Get totally drunk one night and you have an important exam tomorrow morning?
GUILTY
A total stranger treat you by paying your jeepney fare?
INNOCENT
Get totally angry that you cried so hard?
INNOCENT
Isusubo mo
ang iyong sarili
sa pagsabit, nang ang hirap sa patayo’y di nya na danasin.
Hahawakan mo
at iaabot sa kanya lamang ang barya
nang iyong madampian kahit kaunti
ang dulo ng kanyang mga daliri.
Pipilitin mo
na lagi siyang ipinid
sa kaibuturan ng iyong mga mata,
at nang iyong masabi
na nilalanghap mo rin
ang hangin na lumalabas sa kanyang mga labi–
at lahat ng ito’y iyong ikukubli
hanggang mayroong makapansin.
Saka mo lamang ito ititigil.
Matagal na akong nagtuturo. 1st year High school pa lang, nagtuturo na ako sa mga grade 5 at 6 students sa org ko noon. Tuwing summer dati nagtututuro ako sa mga high school students ng TD program. Noong college balik turo ako sa mga grade 5 at 6 students. Madali lang para sa akin ang magturo, dahil kahit papaano alam kong mahaba ang pasensiya ko at matiyaga akong paulit-ulitin sa mga bata ang mga inaaral. Akala ko magaling na ako, pero naisip kong hindi pa pala, at kani-kanina ko lang nalaman.
Pag-uwi ko ng bahay galing trabaho, naabutan ko ang kapatid ko at ang nanay ko na parang nilukot ang mukha, asar na asar na sa pagtuturo sa pinsan kong nakatira sa amin. Grade 1 siya. Tinuturuan nila siyang magbasa. Pinakinggan ko sandali sila sandali, inoobserbahan ko kung ano ba ang problema sa bata, at kapansin-pansin na mahina nga ang pick-up niya. Napansin kong kailangan niyang tumingin sa nakapaskil sa pader namin na ABCD chart para malaman kung ano ang letrang pinapabasa sa kanya. Hirap na hirap siyang alalahanin kung ano nga tong "BA" na nasa harap niya kahit na kakabasa nya lang kanina nun. Wala namang problema sa akin yun, grade 1 pa lang naman siya, sabi ko sa sarili ko. Praktis lang yan.
Sinubukan kong turuan siya, kahit na hindi pa ako nagbibihis galing sa trabaho. Pagkatapos ng isa't kalahating oras, napagtanto kong hindi pala ako marunong magturo ng pagbabasa sa mga bata. Bigyan mo na ako ng isang klase ng grade 1 math, wag lang grade 1 English o Filipino. Baka bigla akong magwala.
Pero paano nga ba matutong magbasa? Alam kong may technique to, pero di ko maisip kung paano yung pinakasakto lalo na sa mga batang mabagal matuto. Pareho lang ba sa math na "practice makes perfect"?
Labels: musings, reading, teaching